Psych Mix: When Boy Meets Girl

Very privileged to host the talk “When Boy Meets Girl: Understanding the Dynamics of Love”. Some Psychology majors from Far Eastern University attended the said event and with some unforeseen problems, it still turned out to be a great experience. Especially that Ramon Bautista came to share his expertise on love. Kahit na alam kong puro kalokohan yung mga pinagsabi niya, he still made us happy, and kilig. hahaha

I Live for the Little Moments

2012. THESE ARE THE MOMENTS I’M GOING TO REMEMBER.

Overnightss at The Gaurano’s

HIndi lang natin this year ginulo ang katahimikan nila pero memorable pa rin kasi minsan lang naman.
Gumawa tayo ng cover ni Eugene Domingo na “Sabaw” at sinayawan si Julia na walang malay
Nag attempt din tayong sumayaw ng kanta sa Hercules: “No chance, no way, I won’t say I’m in love.” with liftings pa.
Yung nag-usap tayo na walang matutulog
Pero habang nanonood, nakatulog si Ayra…
Nang nakadilat.

Swimming sa Antipolo

Yung galing tayong duty tapos umuulan at ang ginaw na tapos gusto pa rin magswimming.
Ginamit ang “charm” para makatawad sa cottage kasi sandali lang naman at hindi student-friendly and presyo.
Tapos ang sakit lumublob sa tubig kasi sobrang yaman ng pool na yun sa Cl.
Pagpasok sa klase, nalaman kay Ms. Em na kaya tayo nagbabalat kasi “nagdedecompose” daw tayo as a result of chlorine + heat.

Internship, syempre.

Yung mga pasyenteng nakilala at naging kaibigan natin sa clinic.
Yung feeling na hindi tayo ang weird
Ang paghahanda natin ng kendi at RC.
Ang Kwento ng “How I Met My Mother”…in the psychiatric ward.
Yung mga kanta ni Kuya Abe na walang lyrics na tumama. <OST: Narda>
Ibon yata kung lumipad
Sumakay sa jeepney, pinara ng drayber
Makita kang sakdal layaaa.

O diba dabest. Greatest Hits yun.
Basketbol kasama nina Jepoy.
Ang paghampas sakin ni Nica. <rolls eyes> natakot talaga ako dun ah.
Ang paghiyaw ni Kuya Elmer ng “Aliciaaa… YOOHOO!” (naririnig ko siya habang sinusulat ko to)
“I am AWARE of your presence!”, sabi pa niya.
Walang kasing lupit na mood swings ni Vanessa na nakakatakot.
At ang tangkad niya.
Sino ba namang di matutuwa sa tawa ni Kuya Jack na ang sarap irecord.
Lahat ng disturbances, hyperproductive speech, catatonia, delusions, hallucinations, sexual preoccupations nila na nawitness talaga natin. Parang nabuhay yung AbPsych book.
Mga hirit ni Kuya Mong.
Kissmarks mula kay Ate Ellen.
Ang bespren natin na kambal ni Izzy, si Kuya Reggie.
Pagbato ng water balloons sa clinic. Talo tayo kay Onyok, friends. Balikan nga natin.
Yung nangitim tayo sa ating “psycho-social-physical activities”
Namiss niyo rin noh? Tara, uwi tayo.

20th Birthday ko

Yung di ko alam san ako dadalin ni Tweedle Dee at Tweedle Dum.
Nakarating tayo ng BGC.
Umorder ako ng bacon… sa Brothers Burger. lol
Pinakausap sakin ni Ayra ang nanay niya at binati ako ng Happy birthday. Tapos tinanong kung birthday ko ba.
Nag concert tayo sa Timezone, BGC: Kumanta tayo sa videoke ng “I Will Survive” at damang dama ko ang lyrics lalo na yung
“I’m not that stupid little girl who’s still in love with you.”
Buhay na buhay ako noong gabing yon.

19th Birthday ni Ayra

Yung nanood tayo ng Cinemalaya: Ang Nawawala
Pangalawang taon ng Cinemalaya na na magkasama kami ni Ayra. cheesy. ew
Lasang damo yung inorder ni Izzy na tea sa Happy Lemon
Yung akala ko si Ayra ung isusurprise nila Bea
Kasama rin pala ako sa isusurpirise. hehehe. kiligerz
At nasurprise nga ako. Parang ganito: o.O
Nagdedicate tayo ng tig-iisang kanta para sa kaibigan nating parang matanda na pero bata pa pala
OST: Call Me Maybe na kinanta ni Izzy
Panalangin-APO, na kinanta ni Jo
Minsan- Eraserheads, na dinuet ko kasama ni Ayra
Love on Top- Bea and Ayra
Hindi nawawala ang Aegis pag nag videoke.

Mga usap-usapan sa lab

Yung nahuli na natin ang kiliti ni Prof.
Nauto natin siya sa pagpostpone ng quiz o sa free cut
Aware ba kayo na nilabag na natin halos lahat ng rules sa loob ng lab?
Kumain na’t lahat, ginawa na ring salon, nag Christmas party pa don.
Tapos ung after class discussion natin. Tayo na lang maiiwan kasi masyadong nag enjoy sa topic
Oo, reproductive system at epidermal derivatives ang usapan.
Libreng waxing 101 c/o Grasya.

Mga pasyente sa CBR <kami lang ng partner ko dito syempre haha>

Mga hirit ng paborito kong pasyente.
Nireto pa ako sa mga interns don sa clinic.
Ayoko po ata sa physical therapist, sabi ko sa isip ko.
Kami na nga ung nakikisuyo, kami pa pinakain. Laking pasasalamat daw nila.
At malaki rin ang pasasalamat ko.
Kaya binabalik-balikan. :)

Mga kantsawan at Da Who segments
Mga bikitma ng da who: may mga indibidwal, meron ding grupo.
Yung grupo kaya lang naman na-da who kasi tinira nila ung mga Psych.
Masasabi ko lang sa lider: kiss you. (wholesome tayo hindi ko sasabihin ung f-word)
Tas may girlaloo na favorite natin punahin at gayahin.
Pambihira sino ba namang di makakapuna sa kanya…
Ops. atin-atin lang. <wink!>
Si Ayra syempre bida sa atin yan.
Kaya big deal nung nalamang may prospect siyang guy tas hinulaan pa ni Stargazer.
BTW Hindi ako naniwala sa lahat ng sinabi ni Stargazer. kaya ko rin gawin yun.
Tas dahil sa sobrang sikat na si Ayra at dalaga na, (nag hi-hikaw na siya ng fancy) hindi na siya si Dora.
Siya na si ARYANA.
<fancy!>

 
Sa lahat ng kalokohan natin na nagpasaya o/at nagpahamak satin
Sa lahat ng hirap na nagpatatag sa’tin
Sa lahat ng quizzes na binagsak natin
Sa lahat ng drama na nakakasuka pero hinarap natin,
Atin yun.
At nagpapasalamat ako sa mga moments na iyon. Kasi kasama ko kayo. :)
Eto, keso o, Happy New Year. :)
Fancy New Year! :))
Pisenlab,
Lisha